Category Tagalog   Show all

  • Hunyo 2024 – Pakikilahok sa Balangkas na Plano (Tagalog)

    Share Hunyo 2024 – Pakikilahok sa Balangkas na Plano (Tagalog) on Facebook Share Hunyo 2024 – Pakikilahok sa Balangkas na Plano (Tagalog) on Twitter Share Hunyo 2024 – Pakikilahok sa Balangkas na Plano (Tagalog) on Linkedin Email Hunyo 2024 – Pakikilahok sa Balangkas na Plano (Tagalog) link

    Nais naming pasalamatan ang lahat ng taong naging bahagi ng proseso sa pagpaplano sa ngayon.

    Sarado na ang survey.

    Ang isang ulat na nagbabalangkas sa mga natuklasan sa pampublikong pakikipag-ugnayan ay ilalabas sa Taglagas ng 2024.

    Kung mayroon kang mga katanungan tungkol sa Draft na Plano mangyaring makipag-ugnayan sa Pangkat ng Proyekto sa rupertrenfrewplan@vancouver.ca



    Nais naming pasalamatan ang lahat ng taong naging bahagi ng proseso sa pagpaplano sa ngayon, at hinihikayat kang matutunan ang tungkol sa Draft na Plano sa isang paparating na kaganapan at ibahagi ang iyong mgasaloobin sa pamamagitan ng aming Survey ng Komunidad:

    • Kaganapang Panglunsad – Matutunan ang tungkol sa Draft na Plano, magtanong sa mga tauhan, mag-enjoy ng ilang pampalamig (kabilang ang Johnny’s Pops mula 12:00 – 1:30 pm) at lumahok sa isang aktibidad sa sining na pinangunahan ng Still Moon Arts
    • Mga Kaganapang Open House – Matutunan ang tungkol sa Draft na Plano, magtanong sa mga tauhan, mag-enjoy ng ilang pampalamig at lumahok sa isang aktibidad sa sining na pinangunahan ng Still Moon Arts

    Patuloy na bumisita sa website na ito para sa mga update sa mga ibang kaganapan o paparating na pampublikong ugnayan, o magpatala sa aming listahan ng email para makatanggap ng mga notipikasyon sa kaganapan at mga update sa proyekto.

    Kung mayroon kayong anumang katanungan tungkol sa Draft na Plano o paparating na kaganapan, mangyaring mag-email sa rupertrenfrewplan@vancouver.ca


  • Enero 2023 - Potensiyal na pagbabago sa boundary ng lugar ng pag-aaral (Tagalog)

    Share Enero 2023 - Potensiyal na pagbabago sa boundary ng lugar ng pag-aaral (Tagalog) on Facebook Share Enero 2023 - Potensiyal na pagbabago sa boundary ng lugar ng pag-aaral (Tagalog) on Twitter Share Enero 2023 - Potensiyal na pagbabago sa boundary ng lugar ng pag-aaral (Tagalog) on Linkedin Email Enero 2023 - Potensiyal na pagbabago sa boundary ng lugar ng pag-aaral (Tagalog) link

    Potensiyal na pagbabago sa boundary ng lugar ng pag-aaral

    Vancouver Plan, inaprubahan noong Hulyo 2022, ay nagbibigay ng pangmatagalang plano para sa Lungsod. Tinitingnan naming baguhin ang boundary ng plano ng lugar ng pag-aaral para makasama ang ilang mga lugar na natukoy bilang ‘mga village’ sa Vancouver Plan.

    Ang ‘mga village’ ng Vancouver Plan ay nakikinita na naka-orient sa paligid ng maliit na koleksiyon ng mga komersiyal at pang komunidad na paggamit na nakakapagbigay ng mga lokal na trabaho, mga pang-araw-araw na pangangailangan, at paglalagay ng lugar sa komunidad at mga panlipunang koneksiyon. Ang mga bagong opsiyon sa pabahay, sa anyo ng mga multiplex, townhome, at mga low-rise na apartment na hanggang 6 na palapag, ay magdadala ng mas maraming tao na magkakaiba ang edad, kita at background sa komunidad.

    Sa yugto ng Draft Plan, ang final na mga boundary sa lugar ng pag-aaral para sa Plano ng Lugar ng Rupert at Renfrew Station ay kukumpirmahin.


    Mapang pinapakita ang Mga Village ng Vancouver Plan ay nakakulay na light blue



    Mapa ng Lugar ng Rupert at Renfrew Station na nagpapakita ng mga updated na boundary



  • Enero 2023 – Pagbabalik ng Pampublikong Engagement: Magsalita! (Tagalog)

    Share Enero 2023 – Pagbabalik ng Pampublikong Engagement: Magsalita! (Tagalog) on Facebook Share Enero 2023 – Pagbabalik ng Pampublikong Engagement: Magsalita! (Tagalog) on Twitter Share Enero 2023 – Pagbabalik ng Pampublikong Engagement: Magsalita! (Tagalog) on Linkedin Email Enero 2023 – Pagbabalik ng Pampublikong Engagement: Magsalita! (Tagalog) link

    Gusto naming makarinig mula sa inyo tungkol sa kinabukasan ng Lugar ng Rupert at Renfrew Station at maraming paraan para inyong maibahagi ang inyong mga ideya, sa personal man at online. Tingnan ang mga aktibidad sa ibaba at hanapin ang mga gagana para sa iyo:

    • Survey ng Komunidad: Available sa pamamagitan ng Shape Your City hanggang Pebrero 28, 2023. (Ang mga papel na kopya ng survey ay makukuha sa lahat ng mga pampublikong kaganapan)
    • Open House: Samahan kami para sa isang open house na sesyon na tatampok ng 6 na istasyon ng aktibidad kung saan maaari kang makapagsalita tungkol sa mga paksa sa plano tulad ng pabahay, transportasyon, ang ekonomiya at mga espasyong pang kultura. Magkakaroon ka rin ng pagkakataong makapagbahagi ng mga lugar at mga kuwento na may pang-kulturang halaga sa inyo at tutulungan kaming lumikha ng piraso ng sining sa publiko ng komunidad na sumasalamin sa magkakaibang komunidad ng kapitbahayan kasama ang Still Moon Arts. May mga kawaning available para sa one-on-one na pakikipag-usap at para sagutan ang anumang mga tanong tungkol sa plano at proseso ng pagpaplano. Samahan kami sa isa sa mga sesyong ito:
      • 5:30 - 8:30 pm Miyerkules, Peb 1 - Renfrew Community Centre
      • 1:00 - 4:00 pm Sabado Peb 4 - Vancouver Technical School
      • 5:30 - 8:30 pm Lunes, Peb 6 - Thunderbird Community Centre
      • 6:00 - 8:00 pm Huwebes, Peb 9 - Renfrew Public Library
    • Mobile Community Office: Halika at bisitahin kami sa community facility na malapit sa inyo! Ipababahagi namin sa inyo ng higit pa ang tungkol sa mga lugar at kuwento na may pangkulturang halaga sa inyo sa lugar ng plano at magkakaroon kami ng mga papel na kopya ng survey na maaari ninyong makuha. Naroon ang mga kawani para sagutan ang alinman sa inyong mga tanong tungkol sa plano. Halika at bisitahin kami sa:
      • Maghanap ng mga kawani sa iba't ibang mga kaganapan sa komunidad at pasilidad hanggang Pebrero!

    May saklaw kami ng mga suporta sa pagiging accessible at serbisyong tagapag-salingwika / interpretasyong magagamit. Kung kailangan niyo ang alinman sa mga suportang ito, mangyaring kontakin ang rupertrenfrewplan@vancouver.ca.

  • Nobyembre 2022 – Yugto 1 Pakikipag-ugnay sa Publiko: Ano ang aming narinig (Tagalog)

    Share Nobyembre 2022 – Yugto 1 Pakikipag-ugnay sa Publiko: Ano ang aming narinig (Tagalog) on Facebook Share Nobyembre 2022 – Yugto 1 Pakikipag-ugnay sa Publiko: Ano ang aming narinig (Tagalog) on Twitter Share Nobyembre 2022 – Yugto 1 Pakikipag-ugnay sa Publiko: Ano ang aming narinig (Tagalog) on Linkedin Email Nobyembre 2022 – Yugto 1 Pakikipag-ugnay sa Publiko: Ano ang aming narinig (Tagalog) link

    Ang Still Creek at ang mga seksiyon nitong may salmon, ang mga koneksiyon sa rapid transit, at mga parke sa kapitbahayan na nagtatampok ng mga napakagandang tanawin ng mga bundok ay ilan sa mga bagay na sa palagay ng mga residente ay rason kung kaya kakaiba ang lugar ng pagpaplano. Noong tagsibol, inalok namin ang mga residenteng sabihin sa amin ang tungkol sa kanilang kapitbahayan, at kung bakit ito espesyal at kung ano ang dapat pabutihin. Narinig namin ang tungkol sa pangangailangan sa mga bagong opsiyon sa pabahay, mas maraming maliit na tingian sa kapitbahayan, at mga bagong espasyo para sa sining at kultura.

    Mahigit 600 residente at mga organisasyon ang lumahok sa mga aktibidad sa pakikipag-ugnay noong tagsibol, kabilang ang:

    • Survey sa Komunidad (~300 sagot)
    • Pagmamapa ng Ari-arian ng Kapitbahayan (kung saan binigyan ang mga kalahok ng mapa at pinaturo ang mga lugar na mahalaga sa kanila, o mga lugar na sa palagay nila ay kailangang mapapabuti) (~100 kalahok)
    • Mga Open House at Pop-Up (170 kalahok)
    • Mga pakikipagpulong at workshop sa mga populasyong tinanggihan ng kapatasan (80 kalahok)
    • Mga pakikipag-pulong at panayam sa Stakeholder (~50 kalahok)

    Hiningan din namin ang komunidad ng input sa mga ideya na ipinaalam sa pakikipag-ugnay sa Vancouver Plan, kabilang ang pabahay, ekonomiya, at transportasyon at pampublikong espasyo. Ang mga sagot sa pangkalahatan ay nagbibigay ng suporta, at titingnan namin ang ilang mga elemento na sa palagay ng komunidad ay kulang, tulad ng lokasyon ng mga bagong opsiyon sa pabahay, at kung paano babalansihin ang mga pangangailangan sa pabahay sa pangangailangan sa espasyo sa pag-empleyo sa susunod na yugto ng pampublikong pakikipag-ugnayan. Para sa higit pang mga detalye tungkol sa aming unang yugto ng pakikipag-ugnay sa tagsibol ng 2022 kasama ang mga detalyadong resulta ng survey, pagmamapa sa ari-arian ng kapitbahayan at mga pakikipagpulong at mga workshop, tingnan ang ulat sa pakikipag-ugnay.

    Salamat sa lahat ng naglaan ng kanilang oras, enerhiya, input at mga ideya sa ating unang round ng pakikipag-ugnay tungkol sa Plano sa Lugar ng Istasyon ng Rupert at Renfrew.

  • Mayo 2022 - Makisangkot sa Plano para sa mga Kapitbahayan ng Istasyong Rupert at Renfrew (Tagalog)

    Share Mayo 2022 - Makisangkot sa Plano para sa mga Kapitbahayan ng Istasyong Rupert at Renfrew (Tagalog) on Facebook Share Mayo 2022 - Makisangkot sa Plano para sa mga Kapitbahayan ng Istasyong Rupert at Renfrew (Tagalog) on Twitter Share Mayo 2022 - Makisangkot sa Plano para sa mga Kapitbahayan ng Istasyong Rupert at Renfrew (Tagalog) on Linkedin Email Mayo 2022 - Makisangkot sa Plano para sa mga Kapitbahayan ng Istasyong Rupert at Renfrew (Tagalog) link

    Lumilikha kami ng plano para gabayan ang paglago at pagbabago sa paligid ngistasyon ng SkyTrain ng Rupert at Renfrew.

    Nais naming matuto pa tungkol sa iyo at sa mga karanasan mo sa inyong kapitbahayan.