Nobyembre 2022 – Yugto 1 Pakikipag-ugnay sa Publiko: Ano ang aming narinig (Tagalog)
Ang Still Creek at ang mga seksiyon nitong may salmon, ang mga koneksiyon sa rapid transit, at mga parke sa kapitbahayan na nagtatampok ng mga napakagandang tanawin ng mga bundok ay ilan sa mga bagay na sa palagay ng mga residente ay rason kung kaya kakaiba ang lugar ng pagpaplano. Noong tagsibol, inalok namin ang mga residenteng sabihin sa amin ang tungkol sa kanilang kapitbahayan, at kung bakit ito espesyal at kung ano ang dapat pabutihin. Narinig namin ang tungkol sa pangangailangan sa mga bagong opsiyon sa pabahay, mas maraming maliit na tingian sa kapitbahayan, at mga bagong espasyo para sa sining at kultura.
Mahigit 600 residente at mga organisasyon ang lumahok sa mga aktibidad sa pakikipag-ugnay noong tagsibol, kabilang ang:
- Survey sa Komunidad (~300 sagot)
- Pagmamapa ng Ari-arian ng Kapitbahayan (kung saan binigyan ang mga kalahok ng mapa at pinaturo ang mga lugar na mahalaga sa kanila, o mga lugar na sa palagay nila ay kailangang mapapabuti) (~100 kalahok)
- Mga Open House at Pop-Up (170 kalahok)
- Mga pakikipagpulong at workshop sa mga populasyong tinanggihan ng kapatasan (80 kalahok)
- Mga pakikipag-pulong at panayam sa Stakeholder (~50 kalahok)
Hiningan din namin ang komunidad ng input sa mga ideya na ipinaalam sa pakikipag-ugnay sa Vancouver Plan, kabilang ang pabahay, ekonomiya, at transportasyon at pampublikong espasyo. Ang mga sagot sa pangkalahatan ay nagbibigay ng suporta, at titingnan namin ang ilang mga elemento na sa palagay ng komunidad ay kulang, tulad ng lokasyon ng mga bagong opsiyon sa pabahay, at kung paano babalansihin ang mga pangangailangan sa pabahay sa pangangailangan sa espasyo sa pag-empleyo sa susunod na yugto ng pampublikong pakikipag-ugnayan. Para sa higit pang mga detalye tungkol sa aming unang yugto ng pakikipag-ugnay sa tagsibol ng 2022 kasama ang mga detalyadong resulta ng survey, pagmamapa sa ari-arian ng kapitbahayan at mga pakikipagpulong at mga workshop, tingnan ang ulat sa pakikipag-ugnay.
Salamat sa lahat ng naglaan ng kanilang oras, enerhiya, input at mga ideya sa ating unang round ng pakikipag-ugnay tungkol sa Plano sa Lugar ng Istasyon ng Rupert at Renfrew.