Ang ehekutibong buod na ito ng Accessibility Strategy ay propesyonal na isinalin sa ibang wika.

Para i-translate ang natitirang bahagi ng website, mangyaring gamitin ang auto-translate tool sa ibabaw ng page na ito.


Ito ay isang ehekutibong buod ng mas malaking report. Ang buong Accessibility Strategy report (sa Ingles) ay mahahanap dito.


Ang mga táong may disabilities ay tumutukoy sa mga táong nakakaranas ng pisikal, pangkaisipan, cognitive, communication, intelektwal, o sensory na kapansanan, o kapansanang may kinalaman sa edad, maging sila'y seniors, ibang mga táong may mga kapansanan na may kinalaman sa edad, o mga táong nakakaranas ng mga problema sa pangkaisipang kalusugan o sa paggamot ng droga o alak. Para sa mga layunin ng estratehiyang ito, gagamitin ng Lungsod ang salitang persons with disabilities (mga táong may mga kapansanan), na tutukoy sa complexity at diversity ng mga nararanasan tulad ng nakabalangkas sa itaas, at gagamitin nito ang malawak at inklusibong depinisyon ng disability.



Ang Lungsod ng Vancouver ay gumagawa ng Accessibility Strategy. Ito ay isang plano para sa Lungsod na mag-focus sa accessibility. Ang accessibility ay kinakailangan para magkaroon ang lahat ng magandang buhay. Ang mga pangangailangan sa accessibilty ay maaaring panlipunan, pang-ekonomiya, kultural, ispiritwal, at politikal.



Ang kahit sino ay maaaring makaranas ng disability. Ang mga pansamantala, pana-panahon, o permanenteng pagbabago sa functioning sa anumang panahon sa buhay ay bahagi ng pagiging tao. Ang accessibility ay ang practice na gawin ang isang lugar na lugar na magagamit ng pinakamaraming táong maaari. Ang accessibility ay nangangahulugang pagtanggal ng mga hadlang na nagpipigil sa mga tao na lumahok sa lipunan. Ang accessibility ay tungkol sa inclusion.



Kapag may accessibility, ang lahat ng mga tao ay maaaring:

  • Maka-access sa mga serbisyo at mga programang kanilang kinakailangan
  • Makapunta sa iba't-ibang mga lugar sa lungsod kung saan sila nakatira at nagtratrabaho
  • Makaramdam na sila'y bahagi ng lipunan kapag naglalaan sila ng panahon sa mga pampublikong lugar



Ang accessibility needs ng mga tao ay nag-iiba-iba. Para mas maunawaan ang mga pananaw ng mga táong may disabilities, sinusunod ng Lungsod ang slogan ng “nothing about us without us” (ibig sabihin, walang patakaran ang dapat pagpasiyahan ng sinuman nang walang buong paglahok ng mga táong may mga kapansanan). Ang mga layunin upang gawin ang unang Accessibility Strategy ng Lungsod ay ang:

  • Hilingin at gamitin ang mga mungkahi mula sa mga táong may disabilities
  • Gamitin ang accessible practices para lumikha ng mga lugar para sa mga ligtas at tapat na mga pag-uusap
  • Siguraduhin na ang mga táong hindi laging kasali ay inimbita upang magsalita



Inilalarawan ng report na ito kung paano nakipagkita ang tauhan sa mga miyembro ng komunidad para kunin ang feedback. Ito'y nagbibigay ng overview ng kung ano ang narinig mula sa disability community. Mayroong ilang mga mensahe na sa palagay ng mga tao ay mahalaga at dapat pansinin ng Lungsod habang ginagawa ang Accessibility Strategy.


Kabilang sa 7 pangunahing mensahe mula sa Komunidad para sa Lungsod ng Vancouver ang:


1. Makabuluhang makipag-usap sa mga táong may naranasan: isali at makinig sa mga táong may disabilities.

  • Isali ang mga taong may iba't-ibang disabilities sa paggawa ng mga desisyon.
  • Suportahan ang “nothing about us without us” sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga hadlang upang lumahok.



2. Dagdagan ang pampublikong edukasyon at kamalayan upang kontrahin ang ableism: turuan ang iba tungkol sa ableism at kung paano nito naaapektohan ang lahat.

  • Maunawaan na ang ableism ay ang maling paniwala na ang mga táong may disabilities ay hindi kasing halaga ng ibang mga tao.
  • Alamin kung paano malaman kapag ang mga táong may disabilities ay maaaring nakakaranas ng hindi lamang ableism kung 'di rasismo, sexism, o ageism din.



3. Dagdagan ang pag-unawa ng buong spectrum ng disability sa lahat ng departments at related boards sa Lungsod: dagdagan ang kaalaman ng staff tungkol sa iba't-ibang uri ng disability.

  • Unawain na ang disabilities ay maaaring maging permanente, pansamantala, hindi nakikita, o maaaring magbago sa katagalan ng panahon.
  • Isaalang-alang ang lahat ng mga uri ng disabilities sa staff training, paggawa ng desisyon, at mga pagpaplano ng events.



4. Lumipat sa isang accessibility culture: siguraduhin na ang accessibility ay mahalaga at bahagi ng paraan ng paggawa ng mga bagay.

  • Pahintulutan lamang ang mga community at commercial projects kung ang mga ito ay accessible at makakapagturo sa komunidad tungkol sa accessibility.
  • Mag-alok ng mga trabaho para sa mga táong may disabilities, nang sila'y maging bahagi ng proseso ng paggawa ng desisyon.



5. Gamitin ang accessibility lens: gumamit ng accessibility lens bilang tool upang tulungan ang staff na maunawaan ang mga bagay mula sa ibang pananaw.

  • Suportahan ang buong inclusion at paglahok ng lahat ng residents at mga empleyado.
  • Alamin kung ano ang kailangan ng mga tao para makalahok sa mga proyekto o events at para matanggal ang mga hadlang.



6. Magtatag ng universal design principles: ang Lungsod ay dapat gawin para sa lahat, hindi lamang para sa mga táong may mga karaniwang kakayahan.

  • Limitahan ang accommodation needs at challenges dahil sa mga sistema at istrukturang napakasamang ginawa.
  • Unang-una ay dapat gawin ang mga lugar para sa lahat, nang sa gayon ay mas madaling makuha ang accommodations kapag kinakailangan.



7. Magsagawa ng mga mekanismo nang magkaroon ng pananagutan: maglagay sa lugar ng mga paraan para malaman kung gumagana ang istratehiya.

  • Unawain ang kahalagahan ng istratehiya at kung paano nito naaapektohan ang mga tao.
  • Kumuha ng feedback at gawing useful ang istratehiya para sa mga táong tinutulungan nito.



Ang report na ito ay ang unang hakbang upang makakuha ng mas malinaw na kaalaman tungkol sa accessibility sa Lungsod. Kasalukuyang ginagawa ang mas detalyadong pag-aaral tungkol sa aming mga narinig. Kasama rito ang impormasyon mula sa ibang sources tulad ng mga report mula sa City Advisory Committees at mga pakikipag-usap sa City staff mula sa lahat ng departments.



May mas malaking community engagement process na ginawa noong summer 2022 tungkol sa draft ng Accessibility Strategy para makakuha ng karagdagang input mula sa Komunidad tungkol sa accessibility. Ang draft ng accessibility strategy ay ibinigay sa Council at ito'y inaprubahan noong summer 2022.

Share Ang ehekutibong buod na ito ng Accessibility Strategy ay propesyonal na isinalin sa ibang wika. on Facebook Share Ang ehekutibong buod na ito ng Accessibility Strategy ay propesyonal na isinalin sa ibang wika. on Twitter Share Ang ehekutibong buod na ito ng Accessibility Strategy ay propesyonal na isinalin sa ibang wika. on Linkedin Email Ang ehekutibong buod na ito ng Accessibility Strategy ay propesyonal na isinalin sa ibang wika. link
<span class="translation_missing" title="translation missing: en-US.projects.blog_posts.show.load_comment_text">Load Comment Text</span>