Skip to content

Survey Tungkol Sa Renter Services Centre

Ang Lungsod ng Vancouver ay nagmumungkahing gumawa ng “Renter Services Centre” sa lungsod kung saan makakakuha ng tulong ang mga umuupa. Alam namin na maraming mga umuupa ang umaasa sa mga organisasyon sa komunidad na nagbibigay ng resources at mga serbisyo upang tulungan silang makapanatili ng ligtas, naaangkop, at abot-kayang housing (pamamahay). Pinag-iisipan naming pagsamahin ang mga organisasyon sa isang lugar sa 900 Howe Street upang tulungan ang mga umuupa na makuha ang serbisyong kailangan nila.

Ang iminumungkahing Renter Services Centre ay maaring mag-alok ng iba't-ibang mga serbisyo tulad ng legal na suporta para sa mga umuupang maaaring ma-evict o mapaalis, edukasyon para sa mga umuupa, nang malaman nila ang kanilang mga karapatan at mga pananagutan, tulong sa pag-unawa sa mga patakaran ng Lungsod at ng Province, tulong sa pagsulat sa mga aplikasyon para sa housing, at marami pang iba. Layunin naming pahusayin ang access sa mga suporta, edukasyon, at legal na tulong para sa mga umuupa sa Vancouver.

Paano kaya kami makakagawa ng Renter Services Centre na pinakamainam na makatutupad sa iyong mga pangangailangan bilang taong nangungupa sa Vancouver? 

Upang maunawaan ang iyong experience sa pag-access ng mga serbisyo bilang renter, nais namin makarinig sa iyo hanggang sa Setyembre 30. (ang survey na ito ay abutin nang mga 10-15 minuto upang makompleto). Anong mga suporta at mga serbisyo ang na-kuha mo upang tulungan kang humanap at makapagpanatili ng rental home? Ano ang nakatulong sa iyo na makuha ang mga serbisyong kailangan mo? Ano ang nagpahirap sa iyo na makuha ang mga serbisyo?

Hinati-hati namin ang aming mga survey sa tatlong seksyon: 

  1. Ang iyong mga experience sa pagkuha ng suporta at mga serbisyo bilang isang nangungupahan, 
  2. Ang mga unang pumasok sa iyong isipan tungkol sa Centre, at 
  3. Demograpikong impormasyon upang tulungan kaming maunawaan ang mga pananaw ng mga umuupa na lumalahok. 

Pahayag ukol sa PAGKA-PRIBADO

Ang impormasyon na makukuha sa survey na ito ay gagamitin upang suportahan ang development ng isang Renter Services Centre sa Vancouver at ang trabaho ng Lungsod ng Vancouver sa mas malawak na pagsuporta nito sa mga umuupa. Ang mga resulta ng survey ay ilalathala pagkatapos sila pagsasama-samahin, at walang mga indibidwal na sagot ang gagawing publiko.  Ang summary ng survey ay ilalabas sa fall. 

Ang pamahalaan ng Lungsod ng Vancouver ay dedikado sa proteksyon ng iyong pagka-pribado. Ang anumang personal na impormasyon na ibibigay mo sa amin ay pamamahalaan alinsunod sa Freedom of Information and Protection of Privacy Act at ng iba pang naaangkop na batas. Ang anumang personal na impormasyon na kokolektahin namin mula sa iyo ay gagamitin lamang para sa mga layunin ng pamamahala sa mga serbisyo ng Lungsod, para bigyan ka ng impormasyon tungkol sa aming mga serbisyo at benefits, at para sa mga estadistika.