Tagalog
Inimbitahan ng United Nations Human Settlements Programme (UN-Habitat) ang Vancouver na sumali sa pandaigdigang pilot na proyekto sa pagsukat ng kalidad-ng-buhay bilang isa sa 11 lungsod sa buong mundo. Ang Inisyatiba sa Kalidad ng Buhay ng UN-Habitat ay bumubuo ng bagong kasangkapang tukatin ang kalidad ng buhay sa mga lungsod.
Para suportahan ang proyekto, hinihiling ng Lungsod sa mga residenteng kumpletuhin ang survey. Nagtatanong ang survey ng saklaw ng mga tanong na kaugnay ng kung paano nakaranas ang mga residente ng kalidad ng buhay sa Vancouver, kasama ang kanilang lebel ng kasiyahan sa magkakaibang pampublikong serbisyo at espasyo. Bilang karagdagan sa mga serbisyong nilaan ng Lungsod ng Vancouver, ang survey ay may kasamang mga tanong tungkol sa mga serbisyong nilaan ng mga ibang ahensiya, tulad ng pampublikong transportasyon, pag-aalaga ng kalusugan, o mga paaralan. Tinatanong ang mga tanong na ito sa lahat ng mga pilot na lungsod para i-benchmark ang mga pandaigdigang karanasan sa kalidad ng buhay.
Sa paglahok sa survey na ito, ang mga tumutugon ay tutulong sa kawani ng Lungsod na mas mabuting maunawaan kung paano ang mga magkakaibang komunidad sa Vancouver maranasan ang lungsod, at paano mas mabuting pahihintulutan ng Lungsod ang lahat na magkaroon ng mataas na kalidad ng buhay. Ina-update ng Vancouver ang Istratehiya sa Malusog na Lungsod nito bilang kabuuan nitong plano sa panlipunang pagpapanatili at ang pagpuna mula sa survey na ito ay makakatulong na maunawaan ang mga pangunahing isyu at mga oportunidad. Mag-aambag din ang mga sagot mo sa paglikha ng bagong kasangkapan ng UN na dinesenyo para maunawaan ang kalidad ng buhay sa buong mundo.
Paano maugnay:
- Matuto pa tungkol sa Inisyatibo sa Kalidad ng Buhay ng UN-Habitat
- Kumpletuhin ang survey bago ang katapusan ng araw ng Martes, Okt.1
- Ibahagi ang oportunidad na ito sa mga network mo!
Mga Susunod na Hakbang:
- Ang mga nalaman mula sa survey na ito ay ilalabas sa huling bahagi ng 2024.
- Mag-aabiso ang survey ng update sa Istratehiya sa Malusog na Lungsod ng Vancouver sa 2025.
Thank you for your contribution!
Help us reach out to more people in the community
Share this with family and friends