Category Tagalog   Show all

  • Ugnayan sa Publiko – Pagpapalawak ng Mga Oras ng Pagpapatakbo ng Establisimiyento ng Alak (Tagalog)

    Share Ugnayan sa Publiko – Pagpapalawak ng Mga Oras ng Pagpapatakbo ng Establisimiyento ng Alak (Tagalog) on Facebook Share Ugnayan sa Publiko – Pagpapalawak ng Mga Oras ng Pagpapatakbo ng Establisimiyento ng Alak (Tagalog) on Twitter Share Ugnayan sa Publiko – Pagpapalawak ng Mga Oras ng Pagpapatakbo ng Establisimiyento ng Alak (Tagalog) on Linkedin Email Ugnayan sa Publiko – Pagpapalawak ng Mga Oras ng Pagpapatakbo ng Establisimiyento ng Alak (Tagalog) link

    Pinag-iisipan ng Lungsod ng Vancouver na dagdagan ang ilan sa mga oras na maaaring bukas ang mga bar, pub at nightclub. Pinag-iisipan din namin ang mga update sa mga oras na maaaring maghain ang mga restaurant ng alak. Gusto naming malaman kung ano ang nasasaisip niyo.

    Sa kasalukuyan, ang pinakahuling oras na pinahihintulutan ang mga bar, pub at nightclub ay mula 1 am hanggang 3 am depende sa lokasyon at araw ng linggo. Ang mga restaurant na pinapayagang maghain ng alak ay maaaring gawin ito hanggang 1 am kapag weeknight at hanggang 2 am kapag weekend.

    Ilang mga pagbabagong pinag-iisipan:

    • Lahat ng mga bar, pub at mga nightclub sa Downtown ay maaaring mag-apply na manatiling bukas hanggang 3 am araw-araw (sa kasalukuyan, ang mga oras na ito ay pinapayagan lang sa mga ilang lugar sa Downtown).
    • Lahat ng mga restaurant sa Vancouver na lisensiyadong maghain ng alak ay maaaring mag-apply na gawin ito hanggang 2 am araw-araw.

    Ang mga pagbabagong ito ay naglalayong suportahan ang mga negosyo at ang lokal na ekonomiya, pahusayin ang sigla ng kapitbahayan at pasimplihin ang mga regulasyon, habang isinasaalang-alang ang pampublikong kalusugan at kaligtasan.

    Matuto pa tungkol sa mga panukalang pagbabago (ang text ay nasa Ingles, magagamit ang auto translate)

    Ibahagi ang mga nasasaisip mo!

    • Gawin ang aming Ingles na survey online bago ang Linggo, Marso 9, 2025
    • Para ibahagi ang iyong input sa Tagalog, at para kumpletuhin ang palatanungan, mangyaring tumawag sa 311 bago ang Linggo, Marso 9, 2025. Babatiin ka ng isang ahente ng Serbisyo para sa Kostumer. Banggitin ang nais mong wika para sa komunikasyon at ikokonekta ka nila sa isang interpreter para kumpletuhin ang natitirang bahagi ng tawag.