Skip to content

Pagpaplano sa Granville Street – Survey para sa Phase 1 (Tagalog)

Nais naming makarinig mula sa inyo

Tulungan kaming lumikha ng bagong plano para sa Granville Street na muling isipin ang kinabukasan ng entertainment district at premier main street ng Vancouver bilang nakasasabik, welcoming, ligtas, at inklusibong downtown na destinasyon na buhay sa aktibidad nang 24 na oras bawat araw/ 7 araw bawat linggo/ 365 araw bawat taon.

Gusto naming malaman kung ano ang pananaw mo para sa kinabukasan ng Granville Street at marinig ang mga nasasa-isip mo sa mga maagang ideya para sa lugar.

Ang survey na ito ay aabutin ng mga 10-12 minuto para makumpleto, at bukas hanggang Hunyo 30.  

Ang pangunahing lugar sa pagpaplano ay nakatuon sa Granville Street sa pagitan ng Robson at Drake, (pinapakita nang dark orange). Ang proseso ng pagpaplano ng Granville Street ay magsasaalang-alang din sa mga limitadong oportunidad sa mga katabing lugar sa Seymour Street at Howe Street (pinapakita sa light orange).