Category Tagalog Show all
-
Pagpaplano ng Granville Street – Kabuuang Pananaw ng Proyekto (Tagalog)
Share Pagpaplano ng Granville Street – Kabuuang Pananaw ng Proyekto (Tagalog) on Facebook Share Pagpaplano ng Granville Street – Kabuuang Pananaw ng Proyekto (Tagalog) on Twitter Share Pagpaplano ng Granville Street – Kabuuang Pananaw ng Proyekto (Tagalog) on Linkedin Email Pagpaplano ng Granville Street – Kabuuang Pananaw ng Proyekto (Tagalog) linkWelcome sa Granville Street! Ito ay eclectic at electric.
Nasa gitna ng downtown Vancouver, ang Granville Street ay nasa hindi naisukong tradisyonal na teritoryo ng Musqueam, Squamish at Tsleil-Waututh Nations. Ang lugar ng downtown Granville Street ng Vancouver ay isang iconic at kakaibang entertainment district na may mayamang pangkulturang kasaysayan. Kilala para sa mga neon sign nito, ang lugar na ito ng Granville Street ay gitnang hub para sa sining, musika at live na performance, kasama ng retail, espasyo ng opisina, mga hotel, teatro, mga night club at mga establisimiyentong kainan.
May mga paghamon din ito – lumalaki ang interes mula sa mga kasosyo sa komunidad, residente, bisita, negosyo, at iba pang stakeholder na maghatid ng mga bagong ideya at bagong pamamaraan para makatulong na muling pasiglahin ang lugar.
Nais naming makarinig mula sa inyo
Tulungan kaming magdisenyo at lumikha ng bago at pinabuting Granville Street! Sama-sama nating ipagdiwang at isipin ang hinaharap ng pangunahing kalye at distrito ng entertainment ng Vancouver bilang isang kapana-panabik, nakakaengganyo, ligtas, at inklusibong destinasyon sa downtown na buhay sa aktibidad, araw at gabi.
Ang bagong plano ay:
- susulong sa Rekonsilyasyon, pagiging patas at accessibility
- susuporta sa sining, kultura at pamana sa Vancouver
- uunahin ang mga programa na susuporta sa batay sa kasarian at kabuuang kaligtasan
- poprotektahan at palalakasin ang espasyo ng trabaho
- palalawakin ang turismo
- pahuhusayin ang pampublikong espasyo para suportahan ang saklaw ng mga aktibidad
- pabutihin ang mga koneksiyon sa aktibong transportasyon at transit
Sa pamamagitan ng proseso ng pagpaplano, ang mga kawani ng Lungsod ay uugnay at magtatrabaho kasama ng mga kasosyo sa komunidad, mga pangkat na may karapatan sa pagiging patas, mga residente, stakeholder, at mga may-ari ng negosyo sa kinabukasan ng Granville Street.
Maugnay!
Maraming paraan para ibahagi ang mga nasasaisip mo at mga ideya.
- Basahin ang online backgrounder
-
Punan ang online survey
- Magiging available ang survey sa Hunyo 1 – Hunyo 30, 2023
- Magrehistro sa para sa personal na workshop – Wikang Ingles lang
- Miyerkules, Hunyo 7: 7–8:30 pm sa UBC Robson Square
- Martes, Hunyo 13: 7–8:30 pm sa UBC Robson Square
- Magrehistro sa para sa personal na paglalakad na tour – Wikang Ingles lang
- Sabado, Hunyo 17: 1– 2:30 pm, magkita sa Vancouver City Centre Canada Line Station Outdoor Plaza
- Sabado, Hunyo 17: 4– 5:30 pm, magkita sa Vancouver City Centre Canada Line Station Outdoor Plaza
- Pumunta sa aming pop-up sa Granville Street Block Party (Agosto 26 at Agosto 27, 2023) – Wikang Ingles lang
- Magpatala sa aming mailing list para makakuha ng mga update nang direkta sa iyong inbox