Tulungan kaming gawing buhay na buhay at maginhawa para sa mga tao ang mga kakaibang kalye, laneway at mga pampublikong espasyo ng Gastown! (Tagalog)
Ang Gastown ay nasa hindi naisukong tradisyonal na teritoryo ng Musqueam, Squamish, at Tsleil-Waututh Nations. Mahalagang pamanang distrito ito at sikat na destinasyon sa Vancouver. Maraming kalye at mga pampublikong espasyo sa Gastown ang nangangailangan ng pagkukumpuni at rehabilitasyon, at aming inaaral na gawing malalakaran ang mga lugar ng kapitbahayang ito para suportahan ang buhay na buhay na pampublikong buhay.
Bilang tugon sa tagubilin ng Konseho (Council direction), lumilikha ang tauhan ng plano na gagabay kung paano:
- Pana-panahon o pang-buong taon ay gawing malalakaran (pedestrianize) ang Water Street, simula sa isang panimula sa tag-araw sa 2024
- Pabutihin ang network ng kalye para suportahan ang pedestrianized na Water Street, kabilang ang pag-access ng mga tao dito sa pamamagitan ng paglalakad, pamimisikleta, transportasyon o mga sasakyan,
- Pahusayin ang mga lugar para sa pagsasalo-salo, mga kalye, at mga laneway ng Gastown para suportahan ang maraming aktibidad
- Isulong ang Pagkakasundo sa Nations at itaguyod ang katanyagan (visibility) sa kanilang mga lupain
- Paunlarin at palalimin ang kakaibang pamanang pakiramdam ng lugar, kabilang ang pinagandang materyales ng kalye at amenidad
- Tukuyin ang oras at pagpopondo ng proyekto ayon sa yugto
Sa pagtatayo sa nakaraang trabaho at mga usapan, nais naming matutunan ang tungkol sa mga nasasaisip mo sa mga layuning binabalangkas (draft objectives) ng plano. Gusto din naming mas mabuting maunawaan ang inyong karanasan sa Gastown ngayon, ano ang gusto mong bumuti, at mga pangangailangan sa pag-access at pag-load para sa mga negosyo at residente sa Water Street.
Maraming paraan para maugnay:
- Matutunan kung bakit kami gumagawa ng plano para sa mga pampublikong espasyo at mga layuning binabalangkas (makukuha lang sa Ingles).
- Sabihin sa amin ang tungkol sa karanasan mo sa mga kalye at mga pampublikong espasyo ng Gastown! Kumpletuhin ang isang survey, bukas sa pagitan ng Huwebes, Okt. 12 - Linggo, Nob. 19.
- Kung kailangan mong maisalin ang survey na ito, mangyaring mag-email sa gastownpublicspaces@vancouver.ca. Isulat sa subject line ang: “Translation request in Tagalog”
- Tututok ang aming survey sa mga sumusunod na lugar: Water Street at Maple Tree Square, at Cordova Street. Sinusuportahan din ng mga ibang kalye sa lugar ng pag-aaral ang pampublikong buhay sa Gastown. Ang mga ito ay Alexander Street, Powell Street, Columbia Street, Carrall Street, Abbott Street, at Cambie Street. Ang mga laneway ay naninilbihan sa mga negosyo at mga residente at ang ilan ay mga lugar para sa pagsasalo-salo. Ang mga ito ay ang Harbour Light Alley, Blood Alley, Trounce Alley, lane sa pagitan ng Cordova at Cambie Streets, mga lane sa pagitan ng Hastings at Cordova, at Abbott hanggang Main Street, Alexander hanggang Hastings.
- Pamanang itsura at pakiramdam - ang Gastown ay may ilan sa pinakalumang mga gusali sa Vancouver at may kakaibang alindog. Anong mga aspeto ang pinakamahalaga sa iyo?
- Gawing Malalakaran ang Water Street - balak naming pana-panahon o buong taong gawing malalakaran ang Water Street, simula sa isang panimula sa tag-araw sa 2024. Ano ang maaaring gawin para ang espasyong ito ay maging lugar na gagamitin at mae-enjoy mo?
-
Pumunta sa aming pop-up storefront sa 131 Water Street, Vancouver (makukuha lang sa Ingles)
- Huwebes, Okt. 19, 11:00 am – 6pm
- Biyernes, Okt. 20, 11:30 am – 7pm
- Sabado, Okt. 21, 2pm – 6pm
- Huwebes, Nob. 16, 11:00 am – 6pm
- Biyernes, Nob. 17, 11:30 am – 7pm
- Sabado, Nob. 18, 2 pm – 6pm
- Magpatala para sa aming mailing list para direktang makakuha ng mga update sa inbox mo (makukuha lang sa Ingles).
Gusto naming malaman pa ang tungkol sa mga pangangailangan sa pag-load at pag-access ng negosyo mo o strata. Matutulungan kami nitong ma-develop ang plano sa mga pampublikong espasyo at plano para pana-panahon o buong-taong gawing malalakaran ang Water Street, simula sa isang panimula sa tag-araw sa 2024.
Kung kailangan mong maisalin ang survey na ito, mangyaring mag-email sa gastownpublicspaces@vancouver.ca. Isulat sa subject line ang: “Translation request in Tagalog”
Thank you for your contribution!
Help us reach out to more people in the community
Share this with family and friends