Tulungan kaming hubugin kung paano ginugunita ng Lungsod ng Vancouver ang mga makasaysayang kaganapan at mga tao.
Nakakatulong ang mga estatwa, pampublikong sining, at mga pangalan ng kalye, mga park, plaza, at mga gusaling gumugunita sa mga makasaysayang tauhan at kaganapan na maikuwento ang istorya ng isang lugar. Subalit, hindi lahat ng mga kasaysayan ay tumpak o patas na kinakatawan sa mga kasalukuyang monumento at pangalan ng Vancouver.
Kinikilala ng Lungsod na ito ay nasa mga unceded na lupain ng xʷməθkʷəy̓əm (Musqueam), Sḵwx̱wú7mesh (Squamish), at səlilwətaɬ (Tsleil-Waututh) Nations, at may mga pangakong unahin ang mga karapatan ng mga Katutubong tao, pagiging patas, pangkulturang pagwawasto, laban sa racism, at pagiging naa-access. Ang trabahong ito ay ginagawa para magdulot ng mga paggunitang kasanayan kaugnay ng mga pangakong iyon.
Paano ka mauugnay:
- Panoorin ang video para matutunan kung bakit ang kumpleto, tumpak at patas na paggunitang tanawin ay mahalaga [May makukuhang mga nakasaling subtitle]
- Kumpletuhin ang survey, aabutin ito ng tinatayang 10 minuto at magsasara sa Linggo, Disyembre 10. [May makukuhang mga pagsasalin at mga kopya]
- Ibahagi ang mga lugar na pinupuntahan mo para maalala gamit ang aming Map tool [May makukuhang mga pagsasalin]
- Ibahagi ang oportunidad na ito sa mga network mo
Mga Susunod na Hakbang:
Sundan kami sa social media @CityofVancouver [Facebook, Instagram, X] o bumisita sa Webpage ng Kultura para malaman kung kailan namin ilalabas ang buod ng pakikiugnay at Ulat ng Konseho sa 2024.
Thank you for your contribution!
Help us reach out to more people in the community
Share this with family and friends