Paano ko maiimpluwensiyahan ang budget ng Lungsod?

    Sa unang bahagi ng Disyembre, ang draft budget para sa 2021 ay ipakikita sa Konseho ng Lungsod para masuri at maaprubahan.

    Mga paraan para ikaw ay makasangkot:

    • Kumpletuhin ang aming survey para sabihin sa amin ang tungkol sa iyong mga prayoridad para sa paggasta ng Lungsod at pamamahala sa mga dolyares mo sa buwis –  magsasara ang survey sa Setyembre 25
    • Subukang balansihin ang budget ng Lungsod gamit ang bago naming interaktibong kasangkapang ‘Balansihin ang Budget’ (Balance the Budget) at ipaalam sa amin kung saan sa palagay mo dapat kaming gumasta ng mas malaki o mas kaunti
    • Magrehistro para magsalita sa pulong ng Konseho ng Lungsod sa Disyembre 1 sa telepono o sa personal –vancouver.ca/council-meetings
    • Direktang kontakin ang Mayor at Konseho sa pamamagitan ng vancouver.ca/contact-council
    • Ibahagi ang mga oportunidad na ito sa mga kakilala mo.

    Ano ang Mga Prayoridad ng Konseho para sa 2021 Budget?

    Ang pangunahing prayoridad ay para mapanatili at mapabuti ang mga pangunahing serbisyo na nakatutugon sa mga pangangailangan ng mga residente at Negosyo araw-araw. 

    Makakatulong ang mga karagdagang prayoridad sa kawani na maayon ang paggasta sa 2021 sa mga ibang programa at serbisyo na pinakamahalaga sa publiko at sa Konseho:

    • Maihatid ang mga kalidad na pangunahing serbisyo na nakatutugon sa mga pangangailangan ng mga residente 

    • Matugunan ang pagiging abot-kaya at ang krisis ng pabahay 

    • Protektahan at bumuo ng matibay na local na ekonomiya 

    • Dagdagan ang pagtuon sa equity at mga kritikal na panlipunang usapin 

    • Pabilisin ang pagkilos sa pagbabago ng klima

    Bilang karagdagan, kami ay magiging flexible at mabilis na aayon sa loob ng bawat prayoridad para pinakamabuting masuportahan ang pagbawi mula sa pandemikong COVID-19.

    Paano ginagasta ng Lungsod ang aking dolyares sa buwis?

    May mahigit sa 80 pampublikong serbisyo ang pinondohan sa pamamagitan ng budget, mula sa pampublikong kaligtasan (sunog at pulis) hanggang sa engineering ng public woks tulad ng sewer at tubig, hanggang sa mga serbisyo sa komunidad tulad ng mga parke at libangan, sining at kultura, mga aklatan, panlipunang serbisyo, at pagpaplano at pagpapaunlad. 

    Mababasa mo ang tungkol sa lahat ng mga ito sa mga taunang plano ng serbisyo sa 2020 Budget Book at matututan mo kung paano ginagasta ang iyong dolyares sa buwis sa panonood ng maikling video na ito sa aming web site.

    Ano ang kaibahan ng operating at kapital na budget?

    Ang kapital na budget ay ginagamit para mentinahin, mapabuti o magtayo ng mga bagong gusali, serbisyo at ibang ari-arian ng Lungsod – mga bagay tulad ng mga sentro ng libangan at komunidad, mga parke, firehall, tulay at kalye. 

    Dahil malalaking proyekto ang mga ito na maaaring abutin ng ilang taon, ang gastos sa kapital na kasama sa bawat taunang budget ay nakaugnay sa apat-na-taong plano ng kapital, na inaprubahan ng Konseho at binoto ng publiko tuwing municipal na eleksiyon. Ang mga proyektong kapital ay bahagyang pinopondohan ng mga kaloob ng pamahalaan at mga kontribusyon mula sa mga developer ng pag-aari (mga levy sa gastos sa pag-develop).

    Ang operating budget ay ang taunang budget na nagpopondo sa mga serbisyo at programang ginagamit araw-araw ng mga residente at negosyo. Kasama dito ang mga bagay tulad ng mga serbisyo sa sunog at pag-rescue, mga kalye at pagpaplano, tubig at sewer, pagkuha ng basura at ireresiklo, panlipunang pabahay at childcare, at mga civic na teatro. Ang dalawang pangunahing pinagkukunan ng pagpopondo sa budget ng operasyon ay mga property tax at bayad sa utility.