Survey sa Framework ng Paggunita (Tagalog)
Ang survey ay dapat abutin ng tinatayang 5 hanggang 10 minuto para kumpletuhin at magagamit hanggang sa Linggo, Disyembre 10.
Kung mayroon kang anumang mga tanong o gustong humiling ng papel na bersiyon ng survey na ito, mangyaring mag-email sa: commemoration.framework@vancouver.ca.
Layunin: Ang input na inilaan sa survey na ito ay tutulong sa pagbuo ng framework para maalala at parangalan ang mga tao at kaganapan sa mas tumpak at patas na paraan.
Paano gagamitin ang impormasyong ito: Ang pagpuna mo ay tutulong sa aming magpasya sa mga pangunahing elemento ng framework kabilang ng mga priyoridad at mga patnubay na prinsipyo. Makakatulong din ito sa aming maunawaan kung ano ang gusto ng publikong isaalang-alang namin kapag pinag-iisipang magdagdag o magpalit ng mga monumento o mga pangalan sa Vancouver.
Ang survey na ito ay hindi magbibigay ng impormasyon sa mga desisyong kaugnay ng mga karapatan ng xʷməθkʷəy̓əm (Musqueam), Sḵwx̱wú7mesh (Squamish), at səlilwətaɬ (Tsleil-Waututh) Nations na magpasya kung paano dapat ikatawan at protektahan ang kanilang mga kasaysayan. Ang mga desisyong iyon ay gagawin kasama ng Nations. Subalit, ang survey na ito ay magtatanong tungkol sa kung paano nanaisin ng publikong matutunan ang mga kasaysayan ng Nations.
Bibigyang impormasyon ng trabahong ito ang paggunitang pagpapangalan, pero hindi ang mga karapatan sa naka-isponsor na pagpapangalan.