Panukala sa pinagandang rezoning sa 3200 East Broadway (Tagalog)

Nais namin ang pagpuna niyo sa panukalang development sa 3200 East Broadway, 3270 East Broadway at 2625 Rupert Street (tinutukoy bilang “3200 East Broadway”).

Nais ng xʷməθkʷəy̓əm (Musqueam), Sḵwx̱wú7mesh (Squamish), səlilwətaɬ (Tsleil‑Waututh) (MST), sa pakikipagsosyo sa Aquilini Development, na i-rezone ang lugar mula sa I-2 papuntang CD-1. Pahihintulutan nito ang mixed-use na development na naghahandog ng magkakaibang saklaw ng mga opsyon sa pabahay, pagtatrabaho at mga amenidad. Magbibigay din ito ng kakaibang oportunidad para buhayin muli ang malakas na ekonomiya ng MST at kultura sa lupa.

Nagho-host ang Lungsod ng proseso ng konsultasyon para makakuha ng maagang mga pagpuna sa “Unique Site” na ito sa kapitbahayang Renfrew-Collingwood, kasabay ng proseso ng pagpaplano para sa Rupert at Renfrew Station Area Plan. Ang Unique Sites ay sasailalim sa pinagandang proseso ng rezoning para magbigay ng oportunidad para sa puna sa mga panukala sa maagang yugto dahil sa laki at pagkamasalimuot ng lugar.

Pagsisimula

  • Panoorin ang video na ito para sa kabuuang pananaw ng panukala at ang mga prinsipyo sa disenyo ng lugar.
  • Matuto pa tungkol sa kabuuang pananaw ng lugar sa DRAFT na Rupert at Renfrew Station Area Plan.

Ibigay ang feedback mo sa Oktubre 1-15, 2024

  • Magtanong sa Q&A.
  • Ibigay ang mga komento sa pamamagitan ng aming survey.
  • Dumalo sa personal na session pa pang impormasyon:

Oktubre 10, 2024
4 pm - 7 pm
Sunrise Hall (1950 Windermere Street)

Ang puna sa yugtong ito ay gagamitin para bigyang impormasyon ang aplikasyon sa rezoning sa hinaharap para sa lugar na ito. Ang mga karagdagang oportunidad para sa pagpuna ay makukuha sa yugto ng pormal na aplikasyon sa rezoning.

Kung may anumang mga tanong ka o alalahanin, kontakin kami sa 3200ebroadway@vancouver.ca

Categories: #tagalog
Share Panukala sa pinagandang rezoning sa 3200 East Broadway (Tagalog) on Facebook Share Panukala sa pinagandang rezoning sa 3200 East Broadway (Tagalog) on Twitter Share Panukala sa pinagandang rezoning sa 3200 East Broadway (Tagalog) on Linkedin Email Panukala sa pinagandang rezoning sa 3200 East Broadway (Tagalog) link
<span class="translation_missing" title="translation missing: en-US.projects.blog_posts.show.load_comment_text">Load Comment Text</span>